Kumakalat ang isang meme patungkol kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee (MMD) kung saan binibiro siyang kasalanan daw niya kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 5, dahil wala siyang "pagkukusa."

Hirit na biro ng mga netizen, sana raw ginulat na lang niya ang lahat, at kahit hindi siya tinawag sa Top 5 ay nagkusang-loob na siyang rumampa at nanatili roon.

Sa isang Facebook page ay ibinahagi ang pabirong X post ng isang netizen patungkol dito.

Mababasa, "Ang problema kay Michelle Dee walang pagkukusa, gusto pa tawagin para pumunta sa unahan. Next time kahit di tawagin sa Top 5, pumunta pa rin sa harap. Magkusa na lang hindi yung inuutusan pa."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Photo courtesy: @rawr2renjun via Oops Issue FB page/Terry Tiu

Umani ang post ng 58k reactions at 19k shares.

Kung nakapasok nga raw ng Top 5 si Michelle ay tiyak na lalamunin niya ang mikropono at patataubin ang kaniyang mga kalaban.

Pero hindi man nagwagi, winner na winner pa rin si Michelle sa puso ng mga Pinoy, at dee na siya mawawala sa kasaysayan ng nabanggit na pageant.

MAKI-BALITA: Michelle Dee kayang-kaya raw lamunin mga tanong sa Q&A