Mukhang naganap na ang reconciliation sa pagitan ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar, batay sa kani-kanilang Facebook posts.

Ibinida ng dalawa ang kanilang family dinner bagay na ikinatuwa naman ng kanilang mga tagasubaybay.

Sabi ni Maegan, sa wakas daw ay nayakap na niya ang amang si Ka Freddie.

"Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I love you po tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin 🥲❤️ I missed you so much tay & looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always 🥲."

Pinalitan pa ni Maegan ang kaniyang cover photo ng family photo nila kasama ang ama.

"We love you tay!!! ❤❤❤," caption niya rito.

Sa Facebook post naman ni Ka Freddie ay ipinakita niya ang family dinner nila ni Maegan at mga apo.

"We had early dinner tonite together with my daughter Maegan, my grand daughters Layla Sky, Mahi Vae and Anaya❤️ ALHAMDULILLAH," ani Freddie.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mag-ama dahil sa isyu ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ni Maegan.

Humingi pa nga ng tulong si Maegan kay Sen. Raffy Tulfo, subalit kalaunan ay binawi nito ang tulong dahil nagpositibo umano siya sa drug test.

MAKI-BALITA: Sen. Raffy Tulfo, inatras-tulong kay Maegan Aguilar matapos magpositibo sa droga

MAKI-BALITA: ‘I don’t need rehab!’ Maegan Aguilar, binanatan si Sen. Raffy Tulfo

Nag-post pa si Maegan na pinagbabawalan niyang lumapit o hawakan man lamang ng mga magulang ang bangkay niya kung sakaling bawian na siya ng buhay.

MAKI-BALITA: Mga kapamilya at kaanak, bawal lapitan o hawakan bangkay ni Maegan Aguilar

Masayang-masaya naman ang mga netizen sa pagkakaayos ng mag-ama lalo't malapit na ang Pasko.