Tinanong ni showbiz insider Rose Garcia si Kapamilya star Jane De Leon kung bukas umano ito sa posibilidad na maging karelasyon ang kapuwa artistang si Janella Salvador.

Sa isang episode ng Marites University kamakailan, ibinahagi ni Rose Garcia ang nalaman niya mula sa isang panayam kay Jane.

“Sabi niya, sobrang happy daw siya. Silang dalawa daw ni Janella. Na okay sa kanila ‘yun. Tapos, dito lang ako nawindang diyan,” kuwento ni Rose.

“Kaso, Jane, parang ‘yung iba may malice…Parang gusto nilang gawing reality. Maging reyalidad. Okay ka lang din ba doon if ever? Anong masasabi mo doon? ‘Yeah, it’s okay. Okay naman ‘yun. Masaya’,” dagdag pa ni Rose.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nilinaw pa umano ni Rose kay Jane na ang ibig niyang sabihin ay kung okay umano para dito na maging karelasyon si Janella.

“Talaga? So, if ever okay sa ‘yo na magkaroon kayo ng relationship? Bigla siyang ‘hindi, I mean, gagawa kami ng mga project’ Sabi ko, loka-loka ka, e. Gusto kong sabihin, pwede na naming isulat ‘yun, e,” saad pa  ni Rose.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naging usap-usapan ang ilang eksena nina Jane at Janella sa TV series na “Darna” dahil sa tila sweet moments nila.

MAKI-BALITA: ‘Tukaan’ nina Jane at Janella, usap-usapan; sigaw ng fans, ‘GL series na ‘yan!’

Sa katunayan, inabangan pa nga ng mga tagasubaybay ang posibleng kissing scene ng dalawa sa nasabing TV series.

MAKI-BALITA: ‘DarLentina’, shini-ship; mga netizen, nakaabang sa posibleng kissing scene nina Jane, Janella