Isinapubliko ng 57-anyos na celebrity chef na si Gordon Ramsay ang pagsilang ng kaniyang ikaanim na anak na si Jesse James Ramsay.

Sa isang Instagram post kamakailan, itinuring ng celebrity chef na “amazing birthday present” ang kaniyang bunsong anak. Nagdiwang kasi siya ng kaarawan nito lamang Nobyembre 8.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

“What an amazing birthday present please welcome Jesse James Ramsay, 7lbs 10oz whopper!! One more bundle of love to the Ramsay brigade!! 3 boys, 3 girls…. Done,” saad ni Gordon.

Bukod sa kaniya, nag-post din sa Instagram ang kaniyang asawang si Tana, 49.

“It’s been a nerve wracking 9 months but we’ve made it and we have been blessed with this little bundle. Ramsay family definitely complete. Jesse James Ramsay we love you so much,” aniya.

Ikinasal sina Gordon at Tana noong 1996. Sila ay may lima pang anak na sina Megan, 25; kambal na sina Jack at Holly, 23; Tilly, 22; at Oscar, 4.

Congratulations, Gordon at Tana!