Nagbigay ng payo ang aktres na si KC Concepcion para sa mga babaeng single sa kaniyang latest vlog nitong Linggo, Nobyembre 12.

Sinubukan kasi ni KC ang “Ask Me Anything” sa Instagram kaya binaha siya ng mga tanong mula sa mga netizen.

Isa nga sa mga naitanong sa kaniya ay kung ano umano ang maipapayo niya sa mga babaeng wala pang jowa.

"I love being in my 30s. I think 30s are a lot more empowering and a lot more fun than your 20s because you know yourself better, or you should know yourself better. Yung strengths ninyo, weaknesses ninyo, yung maging totoo kayo kung hanggang saan lang kayo,” saad ni KC.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Dagdag pa niya: “Ta’s sana by now, may work na talaga kayo. Hindi man career path, like nagwo-work kayo. So you should have more money than you did in your 20s. You should be more conscious of taking care of yourself…It's like being in your 20s, but better."

Sa palagay niya rin, “good time” pa rin umano na mag-enjoy sa buhay kahit nasa edad 30 na. Mag-travel, halimbawa. Kahit ito umano ang yugto kung saan mas iniisip na rin ng isang tao kung ano-ano ang mga magagawa nito para sa mga mahal sa buhay.

“What our lives look like in the next five years, really depends on what we do now,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan, nasa late 30s na ang edad ni KC at in a relationship sa Filipino-Swiss na si Steve Michael Wüthrich, o Mike Wuethrich.