Biniro ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista ang jowa niyang basketball player na si Ricci Rivero sa unang laro nito sa Philippine Basketball Association (PBA) nitong Biyernes, Nobyembre 10.

Mapapanood kasi sa Instagram story ni Leren na ni-reshare niya ang video na ibinahagi ng kapatid ni Ricci na si Prince Rivero kung saan makikitang nagkukusot ng imaginary na damit ang kaniyang jowa habang nasa court.

“Hahahahahaha! ‘Wag ka maglaba, ako na,” saad ni Leren.

Photo courtesy: Leren Mae Bautista (IG)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang pinutakti ng kantiyaw si Ricci matapos i-reveal ni Andrea sa isang panayam na nagkaroon umano siya ng dating jowa na isang taong hindi nagpa-laundry.

Bagama’t walang pangalang binanggit ang aktres, sa hula ng mga netizen ay si Ricci ang tinutukoy nito.

MAKIBALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Pumalag naman si Ricci kamakailan at sinabing paninira lang umano ang tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Isyu tungkol sa ‘laundry’ paninira lang, palag ni Ricci kay Andrea