Pinasinungalingan ni Cristy Fermin sa kaniyang showbiz vlog na "Showbiz Now Na" ang kumakalat na tsikang kasal o misis na ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Ayon sa beteranang showbiz insider, pekeng balita ang ipinakakalat ng isang vlogger na umano'y kasal na si KC sa kaniyang jowang afam na si Michael Wuethrich na isang Filipino-Swiss.

Sa nabanggit na vlog daw kasi ay makikitang may mga "resibo" pa raw ang vlogger na mga larawan at video kaya mukhang kapani-paniwala.

Itinanggi naman ito ni Cristy at sinabing gawa-gawa lamang ito ng nabanggit na vlogger.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Grabe po talaga. Kaya dapat mag-iingat po tayo, dahil ang dami pong fake news na kumakalat talaga ngayon,” anang Cristy.

Bukod dito, hindi na bago kay KC ang fake news dahil noon pa man, lagi na siyang laman ng balita na umano'y nabuntis daw at nagpa-abort pa nga.

Anyway, sa "Dear Heart" concert nga ng ShaGab ay dumalo ang mag-jowa.

Dito nga ay tila may blessing naman sa mga magulang ni KC ang relasyon ng dalawa, at mula mismo sa mga bibig nila ang testimonyang nice naman si Mike.

May pabiro pa ngang "banta" rito ang Megastar.

"Michael, take care of my baby," anang Megastar.

"Michael, dalawang panday ang nandito, sina Senator Bong (Revilla) at Coco (Martin)," hirit ng ina na ikinatawa naman ng audience.

Sey naman ni Gabby, mabait daw si Mike matapos niyang mapag-aralan ang ugali nito. Agree naman si Sharon na nakasama na rin niya si dinner si Mike at mabait naman ang pagkakakilatis niya rito.

MAKI-BALITA: ‘Family reunion?’ Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

MAKI-BALITA: Sharon may ‘banta’ sa afam na jowa ni KC

MAKI-BALITA: KC Concepcion, ‘di totoong buntis