Dumating na sa bansa ang anim na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon matapos tumakas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanese militant group na Hezbollah, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ang mga naturang OFW ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 via Emirates Airways flight EK336 nitong Biyernes ng umaga.

Paliwanag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, ito na ang ikalawang grupo ng mga OFW na nakauwi sa bansa mula sa Lebanon.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Aniya, ang unang batch na binubuo ng apat na OFW ay dumating sa bansa nitong Oktubre 28.

“The six were led to the Bureau of Quarantine station for initial physical and medical check-up,” pahayag naman ni DMW spokesperson Toby Nebrida.

Matatandaang hiniling ng aabot sa 124 OFWs sa Lebanon na pauwiin na sila kasunod ng pagsali ng Hezbollah sa giyera ng Israel at Palestinian militant group na Hamas, malapit sa border ng naturang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 3,000 OFWs ang nagtatrabaho sa southern Lebanon.