Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 18, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Bulkang Mayon, 113 beses yumanig

    Bulkang Mayon, 113 beses yumanig

    By
    Rommel Tabbad
    November 02, 2023
    In
    BALITA National
    Bulkang Mayon, 113 beses yumanig
    (Manila Bulletin File Photo)

    Bulkang Mayon, 113 beses yumanig

    By Rommel Tabbad
    November 02, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Umabot pa sa 113 ang naitalang pagyanig ng Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

    Ipinahayag ng Phivolcs, nagkaroon din ng 133 rockfall events ang bulkan, bukod pa ang naitalang tatlong pyroclastic density current (PDC) events.

    Sinabi ng ahensya, nagbuga rin ang bulkan ng 2,506 tonelada ng sulfur dioxide.

    Naobserbahan din ang pagragasa ng lahar sa Mi-isi, Bonga at Basud Gullies.

    Hindi matiyak ng Phivolcs kung nagbuga ng puting usok ang bulkan dahil natakpan ng ulap ang bunganga nito.

    Isinailalim pa rin sa Level 3 ang alert status ng Mayon Volcano kung saan ipinagbabawal pa ring ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) nito.

    Inirerekomendang balita

    Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

    Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

    Naglabas ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa pagpapatupad ng dalawang linggong visa-free policy sa mga Chinese national simula noong Enero 16.Sa X post ni Pangilinan nitong Sabado, Enero 17, sinabi niya na kailangan umanong tiyakin na hindi na maulit pa ang insidente ng nakaraan kung kailan naabuso ng mga Chinese syndicate ang visa free policies.“While we welcome the entry of Chinese...

    Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

    Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

    Kinomendahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang husay at dedikasyon ng kanilang working dog na si Kidlat sa pagtulong sa paghahanap ng mga katawan mula sa pagguho ng Binaliw landfill kamakailan. Ayon sa appreciation post ng PCG, matagumpay na natagpuan at natukoy ni Kidlat ang isang labi mula sa gumuhong landfill sa kanilang search, rescue, and retrieval operation noong Huwebes, Enero 15. Sa...

    2 babae, kinubra na napanalunang ₱104.5M SuperLotto 6/49 Jackpot

    2 babae, kinubra na napanalunang ₱104.5M SuperLotto 6/49 Jackpot

    Kinubra na ng dalawang babaeng lotto bettor—isang senior citizen at isang housewife—ang pinaghatian nilang ₱104.5 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 8, 2026.Nagtungo sila sa tanggapin ng PCSO para kubrahin ang premyo noong Enero 12, 2026.Matagumpay na nahulaan ng lucky winners ang winning numbers na 09-11-30-12-24-26 at...

    Features

    FEATURES

    1

    Mala-Hachiko: Loyal dog, araw-araw naghihintay sa fur parent na patay na pala!

    January 17, 2026

    FEATURES

    2

    'Ang sarap este sayang makisayaw!' 'Lakbayaw hotties' na agaw-eksena sa pista ng Tondo

    January 17, 2026

    FEATURES

    3

    100-anyos viral na lola, cereal, oats, alak lang maintenance sabi ng apo

    January 17, 2026

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Ano ang nauusong ‘2026 is the new 2016’ trend sa social media?

    January 16, 2026

    FEATURES

    5

    Alamin: 64 na visa-free destinations para sa PH Passport holders

    January 15, 2026

    FEATURES

    6

    #BALITAnaw: Makasaysayang pagbisita ni Lolo Kiko sa Pilipinas

    January 15, 2026

    FEATURES

    7

    Night-shift buddy yarn? Nurse suspendido, isinama kasi jowa sa trabaho

    January 13, 2026

    FEATURES

    8

    ‘CPA na, abogado pa!’ Dating 4Ps monitored child, sumakses sa 2025 Bar Examinations

    January 12, 2026

    Opinyon

    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita