Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Leyte nitong Lunes ng gabi, Oktubre 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:13 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Kananga, Leyte, na may lalim na 13 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity V sa Ormoc City, Leyte.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.