Tampok si “Love Before Sunrise” star Andrea Torres sa latest vlog ng kaniyang co-star sa nasabing serye na si Bea Alonzo nitong Sabado, Oktubre 28.

Batay sa kanilang tsikahan, tila malapit na sa isa’t isa ang dalawa. Matatandaang kamakailan lang ay inamin pa ni Andrea na nahirapan umano siyang makatrabaho si Bea.

MAKI-BALITA: Andrea Torres, nahirapang makatrabaho si Bea Alonzo

Kumasa si Andrea sa A to Z challenge at isa sa mga naitanong ni Bea sa panayam ay kung sino ba ang local at international celebrity crush nito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Unang inamin ni Andrea ang kaniyang international celebrity crush na si Ryan Gosling. Kasunod ang local.

“Alam mo sa local, wala ngayon. Pero ang pinakahuling as in huge crush ko talaga, Richard Gutierrez,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa niya: “Nag-aano ako rin, e, nagho-host. ‘Pag siya ‘yung iinterbyuhin, ako ‘yung ipapadala kasi alam ko ‘yung nangyayari sa kaniya. Updated ako.”

“Talaga? Pero ngayon hindi na?” paniniyak ni Bea.

“Ngayon wala na, e. Wala akong local crush,” sagot ni Andrea.

Kasalukuyan nang kasal si Richard sa aktres na si Sarah Lahbati at may dalawa na silang anak. Kaya kahit single si Andrea ngayon, hindi talaga sila puwede ng aktor.

Pero mukhang masaya naman si Andrea sa kaniyang buhay kaya okay na rin.