Tila may panawagan ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” kamakailan para sa mga nakikisawsaw sa isyu kaugnay kay Master Rapper Francis Magalona o kilala rin bilang “Kiko”.

Matatandaaan kasi na matapos lumantad ng ex-lover ni Kiko na si Abegail Rait kasama ang kanila raw anak na si Francesca Gaile, naglabasan ang iba’t ibang testamento tungkol sa pagsasama umano ng Master Rapper sa asawang si Pia Magalona.

Ang nangyari tuloy, naba-bash si Pia ng maraming netizen dahil sa mga nagsusulputang kuwento kahit wala pa naman siyang inilalabas na tugon, reaksiyon, o pahayag kaugnay sa isyu.

“Wala naman tayong naririnig mula kay Pia. Bakit kailangan nating i-bash ‘yung tao? ‘Yung iba kinokontra pa si Pia. ‘Yung iba kumakampi kay Kiko. O doon sa kay Abegail. Pero hindi naman natin naririnig si Pia,” saad ni Ogie.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “At saka kahit pa sabihin ng kung sino na close sila ni Kiko, kaibigan niya si Kiko, na dati silang mag-bestfriend ni Kiko, di ba, wala na naman si Kiko. Paano pa niya maide-deny o maiko-confirm ‘yung mga nagke-claim na kaibigan siya?”

Kaya ang panawagan niya: “Dapat pinapatahimik na natin ‘yung namayapa na. Kasi, hindi na niya maidedepensa ang kaniyang sarili. Hindi na niya malilinawan ‘yung mga malalabong isyu.”

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?

MAKI-BALITA: ‘Resibo’ ng kasal nina Francis M at Pia sa Hong Kong, nakalkal