Kinaaliwan ng mga netizen ang video na ibinahagi ng aktres na si Kim Molina sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes, Oktubre 27.

Matutunghayan kasi sa video na pinagmamasdan at inaamoy niya si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards habang kumakain ito.

“Mahal ko si Je mahal ko si Je mahal ko si Je *repeat* 😮‍💨” saad ni Kim sa caption ng kaniyang post na ang tinutukoy ay ang jowa niyang si Jerald Napoles.

Komento naman ni Jerald: “Mahal ko si Alden Richards 😅"

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sinabing ito ni Jerald. Narito ang kani-kanilang mga komento:

“Ok lang yan idol ..di naman kau mag ka layu ni Alden...😉😉😉😄”

“Jerald Napoles Yung girlfriend mong Walang pakiramdam ehh mai nararamdaman pa lang iba😁🤣🤣”

“Jerald Napoles labanan mo idol 😂”

“Jerald Napoles bali lods pagnagkababy kayo both side na yung dimples 😁😁😁”

“Jerald Napoles yung nilalabanan nya ng todo pero ikaw ang bumigay 😂😂😂”

“Jerald Napoles inaagawan kana”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, may mahigit 11k reactions at 172k views na ang nasabing video.