Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Umabot pa sa 99 beses na pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod sa mga pagyanig, nagkaroon din ng 219 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events simula madaling araw ng Huwebes hanggang madaling araw ng Biyernes.

Nasa 1,030 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, bukod pa ang puting usok na umabot sa 600 metrong taas. 

Naitala rin ang lava flow na umabot sa 3.4 kilometro sa bahagi ng Bonga Gully, 2.8 kilometro naman ang rumagaa sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro pa rin ang naapektuhan nito sa bahagi ng Basud Gully.

Nananatiling nasa Level 3 ang alert status ng bulkan dahil sa bantang pagsabog nito, ayon pa sa Phivolcs.