Muling nakapanayam ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang “Love Before Sunrise” star na si Bea Alonzo sa kaniyang programa kamakailan.

Napag-usapan nilang dalawa ang karakter na ginagampanan nina Bea at Andrea Torres sa nasabing teleserye kung saan inaagaw ng huli kay Bea ang partner niya na nasa katauhan ni Dennis Trillo. 

“Bea, bilang isang tao, hypothetical, ‘pag may pumasok sa inyong relasyon, halimbawa, ni Dom [Dominic Roque], anong gagawin mo?” usisa ni Tito Boy.

Tila nahirapan si Bea na sagutin ang tanong dahil hindi pa naman mag-asawa ang karakter nila ni Dennis sa serye. Pero nakahugot din naman siya ng mga salitang sasabihin.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Sa lahat naman ng pagkakataon, masasaktan ka but you really have to find the person worth fighting for. And maybe I’ll fight for Dom,” sagot ni Bea.

“Ikaw ba yung tipong manunugod? Ikaw ba yung tipong tatawag? Ikaw ba ‘yung–”

“Hindi, Tito Boy,” mabilis na agaw ni Bea, “si Dom ’yung aawayin ko. Hindi talaga ako nang-aaway ever ng babae kasi paulit-ulit sinasabi sa akin ng nanay ko ever since bata ako: you can never seduce a happy husband. If he’s happy, he can never be seduced.” 

Kasalukuyan nang engaged si Bea kay Dom. Nag-propose ito sa kaniya noong Hulyo.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!