Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Oktubre 27, na 33.36% o 842 sa 2,524 examinees ang nakapasa sa October 2023 Electronics Engineers Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Angelo Cabalu Jacobo mula sa Bulacan State University-Malolos bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 89.80% score.

Hinirang naman bilang top performing school ang University of the Philippines – Diliman matapos itong makakuha ng 96.67% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Oktubre 22 hanggang 23, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Palawan.
National

Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla