April 16, 2026

Home BALITA

Matigas pa sa bato! Hiling ni Sen. Bato, Senate Mansion sa Baguio, magamit para sa golf!

Matigas pa sa bato! Hiling ni Sen. Bato, Senate Mansion sa Baguio, magamit para sa golf!
Photo courtesy: via MB

Humiling si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kay Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na magamit niya at ng kaniyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City para sa isang Golf Tournament.

Sa kopya ng liham ni Dela Rosa kay SP Sotto na nagkalat sa social media na may petsa noong Marso 12, 2026, hiniling niya ang tatlong araw na pananatili raw ng kaniyang pamilya sa nasabing lugar.

"May we request your good office to allow us to use the Senate Mansion on March 26-29?" ani Dela Rosa sa liham.

Saad pa nito, "The mansion will be used solely to accommodate the undersigned's family during the CSAFP CUP 2026 in Baguio City."

Bagama't wala pang inilalabas na tugon si SP Sotto sa naturang kahilingan ni Bato, ayon sa mga ulat ay under renovation umano ang naturang mansion sa Baguio City.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

Matatandaang ilang buwan nang hindi nagpapakita sa Senado si Dela Rosa magmula nang ihayag ni Ombudsman Boying Remulla na kasado na raw ang arrest warrant laban kay Bato mula sa International Criminal Court (ICC).

Kabilang si Bato sa mga pinangalanan ng ICC co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad noon ng madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC

Kasalukuyan siyang nahaharap sa ethics complaint sa Senado bunsod ng kaniyang patuloy na pagliban.

KAUGNAY NA BALITA: Pag-absent ni Sen. Bato sa Senado, sinupalpal ng ethics complaint ng isang grupo!