April 16, 2026

Home BALITA

Abogado ng Club Filipino, pumalag sa umano’y subpoena ng NBI

Abogado ng Club Filipino, pumalag sa umano’y subpoena ng NBI
Photo courtesy: Argel Joseph Cabatbat/FB


Nagbigay ng paglilinaw ang abogado ng Club Filipino na si Atty. Argel Joseph Cabatbat kaugnay sa umano’y natanggap niyang subpoena mula sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa isyu ng mga nagpakilalang 18 ex-marines.

Matatandaang isinagawa ng mga naglantad na umano’y 18 ex-marines, sa pangunguna ni Atty. Levito Baligod, ang isang press conference sa sa Club Filipino, Greenhills noong  Pebrero 24, kung saan isiniwalat nila ang isyu ng umano’y “maleta scheme” ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

KAUGNAY NA BALITA: 1 sa 18 ex-marines, nanindigang walang kinalaman sa kanila si Defensor-Balita

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Cabatbat kamakailan, nilinaw niya na hindi siya abogado ng umano’y 18 ex-marines—ngunit kinumpirma niyang siya ang abogado ng Club Filipino, na pinagganapan ng nasabing press conference.

“Hindi po ako ang abogado ng 18 Marines. Ako po ang abogado ng Club Filipino kung saan nag-press conference ang 18 Marines,” saad ni Cabatbat.

Aniya, “Sa Club Filipino din naganap ang inauguration ni Cory Aquino bilang Presidente. Sa Club Filipino din nag-stay si Yamashita noong panahon ng hapon. Sa Club Filipino din nag stay si Gen. Douglas McArthur pagbalik ng mga Amerikano.”

“Hindi ko alam kung ano talaga ang mangyayari sa bansa natin, basta Club Filipino is a historical place with historical value,” dagdag pa niya.

Photo courtesy: Argel Joseph Cabatbat/FB


Samantala, base sa huling ulat patungkol sa 18 ex-marines, labing-anim sa kanila ay umakto na sa ipinadalang subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa isang questioning.

Kasama rin dito ang pag-aalam at imbestigasyon ng NBI hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ng mga nasabing ex-marines.

Maliban sa kanila, ipinatawag din sina Atty. Baligod, dating Congressman Mike Defensor, at ang asawa nitong si Julie Defensor—na umano’y nagbigay ng sasakyang ginamit ng ex-marines upang tumungo sa nabanggit na press conference sa Club Filipino.

KAUGNAY NA BALITA: Misis ni Mike Defensor, nadawit sa subpoena ng NBI-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Mike Defensor, pinabulaanang may direktang kaugnayan sa 18 ex-marines-Balita