Inilunsad na sa lungsod ng Maynila ang “Task Force Undas” bilang paghahanda sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.
Pinulong na rin ni Mayor Honey Lacuna ang mga bumubuo ng task force upang plantsahin ang mga preparasyon para sa Undas.
Metro
QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Dumalo sa pagpupulong sina Manila North Cemetery Director Yayay Castañeda, Manila South Cemetery Director Jonathan Garzo, City Engineer’s Office chief Armand Andres, Manila Disaster Risk Reduction Management Office Director Arnel Angeles, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Zenaida Viaje at adviser Dennis Viaje, Manila Health Department (MHD) chief Dr. Poks Pangan at Manila Social Welfare (MSW) chief Re Fugoso at Manila Police District (MPD) Director Col. Arnold Ibay. Nasa 350 pulis ang ikakalat sa Manila South Cemetery at 450 pulis naman ang itatalaga sa Manila North Cemetery.
Idinagdag pa ng alkalde, maglalagay sila ng portalets dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo.