“Sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit…”

Tila muli na namang magpapaiyak sina Popoy at Basha sa mga manonood matapos ianunsyo ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ang musical adaptation ng "One More Chance,” kung saan ifi-feature umano ang mga awitin ng folk-pop band na Ben&Ben.

Kinumpirma ng PETA ang “One More Chance musical” sa pagtatapos ng Filipino musical na “Walang Araw” nitong Linggo, Oktubre 22.

“An ICON for an ICON! ✨ Star Cinema's cult classic meets the music of the massively popular and award-winning Filipino nine-piece band,” anang PETA sa isang Facebook post.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“Stay tuned for #PETAOneMoreChance with #BenAndBen! Coming this 2024! ❤️‍🔥,” dagdag pa nito.

Hindi pa naman idinetalye ng PETA ang cast members ng naturang musical.

Sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Sampana, ang pelikulang “One More Chance” ay tungkol sa long-time couple na sina Popoy (na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz) at Basha (na pinagbidahan ni Bea Alonzo), na nagkahiwalay dahil sa kanilang mga sariling ambisyon sa buhay, ngunit muling pinagtagpo ng tadhana makalipas ang ilang mga taon.

Ipinalabas ang One More Chance noong 2007, at dahil sa naging success nito, nagkaroon ang pelikula ng sequel na “A Second Chance” na inilabas naman noong 2015. Idagdag: Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong nababanggit at naaalala ng mga Pilipino.