Sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda kung bakit hindi ibinabalik ng ABS-CBN ang patok na comedy talk show niyang "Gandang Gabi Vice" na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Marami na kasi ang nakaka-miss dito, at ang ilan ay nagkakasya na lang sa panonood ng previous videos na available naman sa social media platforms ng ABS-CBN, at ilang clips na nashe-share na rin ng mga netizen.

Nag-react si Vice sa X post ng isang netizen, "What's stopping ABS-CBN para ibalik ang GGV? Super entertaining ng GGV huhu."

Niretweet ito ng komedyante-TV host at kinomentuhan.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

"I was actually asked by the management when i signed my new contract if i wanted to do GGV again. I couldn't do 3 shows anymore. Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lang. Di ko na keri yung another 10 years."

https://twitter.com/vicegandako/status/1715776644227666286

Masaya naman si Vice dahil kahit ilang taong hindi na namamayagpag sa ere ang show, patuloy pa rin itong bukambibig at hindi nakalilimutan ng marami. Nagpasalamat siya sa ABS-CBN dahil sa pagbibigay ng shows sa kaniya.

"Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. I'm so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN," aniya.

https://twitter.com/vicegandako/status/1715777231417671955

Aminado rin si Vice na bukod sa nakakapagod ang taping, isa sa mga salik kung bakit inayawan na rin niya ang GGV ay dahil sa paulit-ulit na guests.

Pero sa nangyayari daw ngayon na kolaborasyon sa networks ay "beke nemen" sakaling matuloy na.

"Actually true to. Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya i decided to sign off. Pero ngayon mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully)."

https://twitter.com/vicegandako/status/1715779061640032434

Sa ngayon daw, enjoy naman ang award-winning host sa Everybody, Sing na nakatanggap ng parangal sa Asya.

"Sa totoo lang! And sa GGV nakaupo lang ako most of the time tapos tawa lang ng tawa. Nakakapagod ng malala ang Everybody Sing pero it’s all worth it kasi ang objective ay di lang entertainment kasama na din ang public service," pahayag ni Vice.

https://twitter.com/vicegandako/status/1715781760364245445

"Pinuno ng GGV ng trophies ang bahay ko pero Everybody Sing gave me international recognitions. Um-ASIAN si accla eh!" aniya pa.

https://twitter.com/vicegandako/status/1715787203253768630