Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Sabado ng umaga, Oktubre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:54 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 1 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Puerto Galera, Oriental Mindoro

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers

Intensity II - Abra de Ilog, Occidental Mindoro 

Intensity I - City of Calapan, Oriental Mindoro

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.