![Northrail, binuwag na ng Malacañang](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2023/10/Screenshot-2023-10-21-171958.png)
(Manila Bulletin File Photo)
Northrail, binuwag na ng Malacañang
Iniutos na ng Malacañang na buwagin ang North Luzon Railways (Northrail) Corporation dahil hindi na ito nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.
Ang hakbang ng pamahalaan ay nakapaloob sa Memorandum Order No. 17 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Oktubre 19.
Nakitaan ng Malacañang ng sapat na dahilan upang buwagin ang Northrail, kabilang lamang sa mga ito ang pagkabigong maabot ang layunin ng pagkakatatag nito at pagiging magastos nito.
Inatasan na rin ng Malacañang ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) board of directors na kumilos upang mabayaran ang lahat ng opisyal at kawani ng Northrail.
Argyll Geducos