Nag-bonding sa Hong Kong ang hosts ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime," ilang araw bago sila muling bumalik sa telebisyon.

Makikita sa mga larawan at videos ng ibinahagi ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Ogie Alcasid, Teddy Corpus, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Ion Perez ang kanilang naging bonding sa Hong Kong.

Ilang videos at larawan ng kanilang naging night out ang ibinahagi ni Vice sa kaniyang Instagram stories. 

Courtesy: Vice Ganda/IG screengrab

'It's Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

Nagbahagi naman si Anne sa kaniyang Instagram story ng isang TikTok video kasama ang ilan niyang co-hosts.

“Bonding with my showtime fam in HK!!!" caption ni Anne.

Courtesy: Anne Curtis/IG screengrab

Nagbahagi rin si Vhong ng isang larawan sa kaniyang Instagram post, kung saan may caption siya rito na: “🖤🖤🖤.”

#fam see you soon madlang pipol!” saad naman ni Ogie sa kaniyang Instagram post.

Isa ring group photo ang ibinahagi ni Ion sa kaniyang Instagram post na may caption na: "Let’s go let’s go! ♥️"

Matatandaang pansamantalang nagpaalam ang It’s Showtime sa madlang people noong Oktubre 13, 2023, kaugnay ng kanilang suspensiyon.

Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang It’s Showtime ng 12 airing days suspension dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice at Ion ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/

Dahil dito, pansamantalang humahalili sa naturang noontime show ang “It’s Your Lucky Day” hanggang sa Oktubre 27, 2023.

https://balita.net.ph/2023/10/12/its-your-lucky-day-inanunsyo-na-ilang-stars-nadagdag-sa-line-up-ng-hosts/

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang It's Showtime sa Oktubre 28, 2023.