Kinapanayam ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang “Mega Daughter” na si KC Concepcion sa latest episode ng “">Iskovery Night” noong Biyernes, Oktubre 13.

Isa sa mga tinanong ni Isko kay KC ay ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng huli sa buhay.

“Well, ‘yun nga po…akala kasi ng mga tao parang, a, nagje-jet-set si KC nakikita nila sa Instagram na–”

“Sana all,” agaw bigla ni Isko sa nagsasalitang si KC.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Hindi, ganoon. Sana all. Ganyan. Ang hindi nila alam, is, I actually go around the world to work. So, mayroon akong jewelry business. Naghahanap akong supplier. Naghahanap ako ng kung ano-anong connections na puwede kong aralin ‘yung ways nila,” pagpapatuloy ni KC.

Dagdag pa niya, may mga gusto raw siyang matutuhan at maobserbahan mula sa mga platero rito sa bansa pero hindi niya mapuntahan

“Why? Starstruck sila?” tanong ni Isko.

Alanganin naman itong sinagot ni KC habang natatawa: “Hindi ko po alam kung ganoon. Pero it’s, uhm, nagiging hadlang po minsan ‘yung masyado kang expose; hindi po kayo anonymous kapag naghahanap ng supplier.”

Grabe daw kasing magpataw ng presyo ang mga supplier kapag siya ang bumibili. Tapos minsan, nahihiya pa raw siyang sabihin kapag hindi pasado ang alahas sa quality na gusto niya.

“Kasi siyempre you want to support local businesses. So, sabi ko, maybe puwede ko ‘yung gawin sa ibang lugar,” saad pa ni KC.