Nagpapatupad na ng 24 oras na border control sa Antique upang mapigilan ang paglaganap ng African swine fever (ASF) kasunod na rin ng pagtama ng sakit sa apat na lugar sa lalawigan.

Paliwanag ni Provincial Veterinarian Dr. Paul Songcayawon, ikinasa ang provincial border control sa Libertad at Pandan sa Aklan, at Hamtic at Anini-y sa boundary ng Iloilo.

Kukumpiskahin din aniya ng mga awtoridad ang mga produktong gawa sa karneng baboy upang hindi makapasok sa naturang lalawigan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Although there are ASF cases already reported in the towns of Hamtic, San Jose de Buenavista, Sibalom, and Belison, we need to protect the other 14 towns,” pagdidiin ni Songcayawon.

Aniya, aabot na sa ₱60 milyon ang nalulugi sa mga magbababoy sa probinsya dulot ng nasabing sakit.

PNA