Inanunsiyo ng record label na Sony Music Philippines sa kanilang X account nitong Biyernes, Oktubre 13, na pasok ang kantang “Gento” ng SB19 bilang entry sa prestihiyosong Grammy Awards sa kategoryang Best Pop Duo/Group Performance.

“A'TIN!!!! Mag ingay!!!! @SB19Official's GENTO is an approved entry to the GRAMMY's ⚠️💙” pahayag ng Sony sa caption ng kanilang post kalakip ang “For Your Grammys Consideration” poster.

Bagama’t hindi pa nominado ang nasabing kanta, hinihikayat ng Sony ang lahat ng A’TIN na ibahagi ang poster hanggang sa mapansin ito ng voting members ng Recording Academy.

Sa Nobyembre 10 nakatakdang ianunsiyo ang mga opisyal na nominado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na rin nakakapagtakang maabot ng “Gento” ang rurok na ito ng tagumpay. Matatandaang kamakailan lang ay tumabo ang kanta sa isang global chart, nag-trending sa YouTube, at naging certified dance craze pa TikTok.

MAKI-BALITA: ‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid