National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Tukoy na umano ang nasa likod ng umano'y insidente ng data breach sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang inilahad ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Spokesperson Renato Paraiso sa panayam sa telebisyon.

Gayunman, tumanggi itong magbigay ng iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng suspek sa insidente ng cyber attack sa community-based monitoring system ng PSA.

Magkaiba aniya ang nasa likod ng hacking incident sa PSA at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

"Kasalukuyang iniimbestigahan ng DICT ang logs upang malaman ang saklaw ng data breach at kung may personal identifiable information na maaaring na-compromise," anang opisyal.

Kaugnay nito, umapela si Paraiso sa publiko na huwag nang -i-share o i-post ang mga link na posibleng naglalaman ng data samples ng PSA.

"Ang nasabing links ay may malware at sinuman na mapapatunayan na nagpakalat ng data ay maaaring maparusahan alinsunod sa Data Privacy Act of 2012. Pinapaalalahanan ang lahat na magsagawa ng cyber hygiene measures at manatiling alerto laban sa mga phishing at scam attempts," pahayag pa ni Paraiso.

May dagdag na ulat ng PNA