Isinagawa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ceremonial payout ng emergency cash transfer (ECT) sa Polillo Island sa Quezon kamakailan.
National
PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail
Pinangunahan ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Marlon Alagao, ang pamamahagi ng ECT assistance nitong Miyerkules.
Bukod dito, pumirma rin ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DSWD at local government ng Polillo kaugnay ng pre-positioning ng family food packs (FFPs) at iba pang relief goods sa nasabing lugar.
Idinagdag pa ng ahensya, bahagi lamang ito ng kanilang hakbang upang matiyak na naaabot ng tulong ng pamahalaan ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa bansa.