Talagang sinulit ni Kapamilya star Ivana Alawi ang kaniyang pananatili sa Bangkok, Thailand sa latest vlog niya nitong Martes, Oktubre 10.

Pagkatapos nilang kumain sa isang karinderya, naglibot naman sila sa mala-Divisoriang lugar sa nasabing bansa. Bumili siya ng damit at shade. Pero sa huli ay nauwi rin sa muling pagtsibog ang kanilang gala.

Ang kanilang mga binili: coconut ice cream na nakalagay mismo sa loob ng biniyak na buko. Mayroon ding durian. Saka nakatuhog na strawberry na parang pinrito dahil ayon kina Ivana ay malutong daw.

Pero ang pinaka-epic ay nang bumili sila ng buhay na hipon na edible naman. May sahog na kung ano-anong pampalasa.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Hoy, ‘wag nating kainin ‘to,” sabi ng kaibigan ni Ivana pagkabili.

Tanong ng aktres: “Bakit?”

“Puwede nating alagaan.”

Pigil na tumawa si Ivana at sinakyan na rin ang biro ng kaibigan: “Iuwi natin ng Pilipinas.”

Nang inalog-alog na ni Ivana ang mga biniling hipon na nakalagay sa isang plastic food container, nahintakutan siya dahil nakakalabas sa lalagyan. Tumatalon-talon kasi. Kaya inabot na lang niya sa kaniyang kaibigan para ito na lang ang mag-alog.

Pero sa kakaiwas niya sa hipon, lalo lang itong lumapit sa kaniya dahil dumive ang mga ito sa boobey niya na ikinapitlag ng aktres. Napamura na rin tuloy siya.

“Tumatalon siya sa dede ko,” gulat na sabi niya.

Sa isa pang bahagi ng vlog, matutunghayan naman ang pagkain ni Ivana ng alakdan at tipaklong.

MAKI-BALITA: Ivana matapos kumain ng exotic food: ‘Sana halikan n’yo pa rin ako’ – Balita