Isang masuwerteng fan si Allen Macarayan Gacutan dahil binigyan siya ni Kapamilya star Daniel Padilla ng jersey nito sa ginanap na Star Magic basketball game sa Cebu noong Sabado, Oktubre 7.

“It was all worth it ! Thank you sa JERSEY 04 DJP. PS: to whoever took a video when Dj gave me his jersey, kindly pm me please🥺🙏🏻” pahayag ni Allen sa caption ng kaniyang post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Allen ang kaniyang naramdaman nang matanggap niya ang jersey ni Daniel.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Sobrang saya po ng puso ko noong napansin niya ‘yung placard na dala ko at nag-thumbs up siya,” kuwento ni Allen.

Hindi rin niya umano inaasahang ibibigay ni Daniel ang jersey dahil sa sobrang dami ng tao.

“Pumunta lang ako sa exit kung saan naka-park ang van nila at nakita ako ni Zanjoe. Binuksan niya ‘yung window ng sasakyan nila at inabot ni Daniel sa ‘kin yung jersey niya.”

Matagal na raw fan ni Daniel si Allen. Sa “Growing Up” pa lang daw, talagang sinusubaybayan na niya ang aktor.

Gwapo raw kasi si Daniel–na undebatable naman talaga kung tutuusin. Pero bukod dito, mabait din daw ito at gentleman.

Hirit pa niya: “Sana sa susunod nilang balik [Daniel], gusto ko sanang mapa-sign-an ‘yung jersey na ibinigay niya sa akin”.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Allen sa kaniyang mga kapuwa fan ni Daniel. Sabi niya, maging pasensyo lang daw dahil darating din ang panahon na sila naman ang mapapansin ng aktor.

“Just like you guys, I have been waiting for my turn, or should I say, I was waiting for that very moment just to be noticed by the one and only Daniel Padilla. Just be patient with our turn; everyone of us has also had that very moment like mine. Expect an unexpected time to come when your idols will notice you."

"Just keep on supporting. Stand up for your idols and be responsible. And also, as fans, let us all limit ourselves. We all know everyone of us loves our bias, but let us all keep in mind that we should also keep their safety. be satisfied with those interactions with them. Just believe in standing by your idols; your time will come. Love lot.”

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!