Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang low pressure area (LPA) sa labas ng Pilipinas nitong Sabado.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sama ng panahon 1,065 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Paliwanag ni PAGASA weather specialist Veronica Torres, kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA ay posible itong pumasok sa bansa sa Linggo ng umaga.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

"Itong low pressure area na ito ay nananatiling mababa ang tiyansa na maging bagyo sa loob ng 24-48 hours. Posibleng pumasok ito sa Philippine area of responsibility sa loob ng ilang oras o kaya naman for tomorrow," pahayag pa ni Torres sa panayam sa telebisyon nitong Sabado.