Umabot na sa 60 ang isinampang petisyon laban sa mga pasaway na kandidato sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong taon.
Sa pulong balitaan nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Comelec task force anti-epal chief Nick Mendros, pinagsama-sama na ng ahensya ang mga petisyon at inaasahang mailalabas kanilang desisyon bago ang halalan sa Oktubre 30.
"Limited ho ang timeline namin dito. We can only file the petition to disqualify on or before October 30. Thereafter, kung may ma-receive pa kami, magiging election offense na 'yun, it’ll fall under election offense," ani Mendros.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Paliwanag ni Mendros, umabot na sa 4,672 show cause order ang inilabas nila laban sa mga kandidatong maagang nangampanya.
PNA