Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Aurora nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:42 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Casiguran, Aurora, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.