Muling nagbigay ng kaniyang pahayag ang tinaguriang "Wais na Misis" ni Parokya ni Edgar at "The Voice Generations" coach na si Chito Miranda, na si Neri Naig-Miranda hinggil sa kaniyang pinag-usapang ₱1,000-weekly meal plan na umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Neri habang nasa isang event siya, sinabi ni Neri na matagal na niyang ginagawa ang paggawa at pagbabahagi ng budget meal plan, at alam daw ito ng kaniyang followers.

Pagkakamali lamang daw niya na hindi niya nalagyan ng disclaimer ang kaniyang ginawa, na old post na raw iyon at hindi na nga naman applicable ang ilan sa kasalukuyang presyo ng mga bilihin.

Nagulat lang siya na maraming masasamang salita at memes ang ibinato sa kaniya, gayong ang nais lamang daw niya ay makatulong.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Pero kung tatanungin daw siya, hindi siya nagpopokus sa kritisismo ng bashers dahil mas nakatuon ang atensyon niya sa mga tagasuporta niya.

"I'm still here, I'm okay, and nakapokus kasi ako sa followers ko na natutulungan ko," ani Neri.

Na-touch din siya sa mga personalidad na nagpapadala ng mensahe sa kaniya, na nagpahayag ng pagsuporta sa kaniyang ginawa.

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens

MAKI-BALITA: Neri binura ang inokray na ₱1k weekly meal plan

MAKI-BALITA: Netizens sinakyan si Neri; tinapatan ₱1k weekly meal plan