Good vibes ang naging hatid ng post ng photographer na si Vincent Paulo Cortes, 37, mula sa Ormoc City, Leyte tampok ang naging “wrong grammar” na instruction ng kaniyang crew sa groom at bride sa kanilang post-nuptial shoot.

“Kiss the dove,” maririnig na sabi ng crew ni Cortes sa viral video na in-upload niya sa Facebook.

Dahil dito sa sinabi ng crew, muntik nang mahalikan ng bride ang kalapati, sa halip na ang dalawang kalapating hawak niya at ng groom ang magki-kiss.

“Ay, no, no, no, sorry, sorry, wrong grammar,” biglang kambyo naman ng crew nang makitang iki-kiss ng bride ang kalapating hawak niya.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“The dove will kiss,” pagtatama ng crew ni Cortes, na siyang nagpatawa na rin sa sa groom at bride.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Cortes na bagama’t Pilipino ang groom, mula raw sa Netherlands ang bride na siyang subject nila sa naturang shoot noong Setyembre 23.

Dahil dito, English daw ang naging paraan nila ng pagbibigay ng instruction sa mga ito. 

“Pressured na sa english, pero normal naman hahaha,” kwelang saad ni Cortes.

Napagkatuwaan naman daw nilang i-post sa Facebook ang nasabing “wrong grammar” na instruction ng kaniyang crew para maghatid din ito ng good vibes sa iba.

Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 44,000 reactions, 2,000 comments, at 23,000 shares ang nasabing post ni Cortes.

“Wrong graham po hndi wrong grammar ,” hirit pa ng isang netizen sa comment section.