Kinumpirma na ni Coach Tim Cone na cancer-free na umano ang PBA star na si LA Tenorio matapos ang kaniyang huling session ng chemotherapy nitong Martes, Setyembre 19, sa Singapore.

Magbibigay umano ng pahayag si Tenorio pagbalik sa Pilipinas ayon sa text message na ipinadala ni Coach Tim sa News 5.

Bagama’t wala pang inilalabas na pahayag sa kasalukuyan, mababasa sa kaniyang “X” account ang tila mabuting balitang natanggap.

“God is Good! 🙏🙏🙏

National

LA Tenorio, nagdasal sa Antipolo cathedral vs colon cancer

#AMDG #OBF #NSD”

Dahil sa mabuting balita, nagdiwang ang kaniyang mga fan. Narito ang kanilang mga komento:

“Yes po! God is good and merciful! Thanks be to God you’re now cancer-free LA! 🙏🏽”

“Praise the Lord. Magaling ka na Kuya LA.”

“WOW IDOL!!!! CANCER FREE YES!! THANK GOD!”

“Happy for you idol kuya L.A cant wait makita ka ulit maglaro.”

“Praise the Lord. Magaling ka na Kuya LA.”

Matatandaang bumisita pa noong Marso ang PBA star sa Our Lady of Antipolo upang ipanalangin ang mabilis niyang recovery laban sa pinagdadaanang Stage 3 colon cancer.