Hindi nasungkit ang jackpot na ₱29.7 milyon sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6-digit winning combination na 09-02-26-49-22-30.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa isa pang draw, wala ring nanalo sa 6/45 Mega Lotto draw na may winning combination na 37-26-05-16-21-24.

Inaasahan na ng PCSO na lolobo pa ang premyo para sa susunod na bola ng grand lotto at mega lotto.

Idinagdag pa ng PCSO, binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang 6/45 Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.