Nagbigay ng sweet anniversary message si “The Iron Heart star” Sue Ramirez sa jowang si Victorias City Mayor Javi Benitez sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Setyembre 15.

“Warm and breathtaking. In your arms, every sunset feels like a masterpiece, painting our love story with vibrant hues of happiness” saad ni Sue sa caption ng kaniyang post.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

View this post on Instagram

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

Sa huli, pinasalamatan ng aktres ang jowa para sa pagmamahal nito sa kaniya.

“Thank you for loving me the way that you do. Years have passed and you still make my heart glow. I am a lucky one ♥️✨”

Di naman nagpakabog si Mayor sa post ni Sue. Makikita rin sa kaniyang Instagram account ang mensahe niya para sa girlfriend.

“Year 0, 1, 2, 3, and 4. What a journey it has been. The love, laughter, and lessons learned along the way make me feel like the luckiest person in the world. Always grateful. I love you ❤️”

Bukod sa message, tampok din sa kani-kanilang post ang mga picture ng kanilang mga sweet and happy moments.

Matatandaang pinaghinalaan pang lesbian si Sue kamakailan at inisyu pang jowa si Maris Racal.

MAKI-BALITA: Sue Ramirez, nachikang ‘tibo’, at dyowa pa raw si Maris Racal noon: ‘Sa landi kong ‘to?’