Sa gitna ng mga isyung kanilang kinahaharap, isang maikli ngunit sweet at makahulugang mensahe ang ipinaabot ng It’s Showtime host na si Ion Perez para sa co-host at asawa niyang si Vice Ganda. 

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Ion ang isang larawan kasama si Vice.

“Sa panahon ng INGAY mas lalo tayong PINAGTITIBAY! ♥️♥️♥️,” maikli ngunit makahulugang saad ni Ion sa naturang post.

Matatandaang nahaharap ngayon ang mag-asawa sa ilang mga isyu kaugnay ng kanilang pagkain ng icing ng cake sa isang segment ng “Isip Bata.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kamakailan lamang, inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyon nitong patawan ng 12 airing days suspension ang “It’s Showtime” kaugnay sa naturang eksena.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/?fbclid=IwAR3MGICdPIvkSgP1fc_5f95_Kxh9leqsM2UdWdRxOsbr1UGwUZgGj3Nti1o

Kasunod nito, nagsampa ng kaso ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) laban kina Vice at Ion dahil din sa pagkain nila ng icing ng cake sa “Isip Bata.”

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/?fbclid=IwAR3MGICdPIvkSgP1fc_5f95_Kxh9leqsM2UdWdRxOsbr1UGwUZgGj3Nti1o