Nagbigay-mensahe si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos sa kaniyang ama na si Pangulong Bongbong Marcos na nagdiriwang ng kaarawan ngayong Miyerkules, Setyembre 13.

“Happy happy birthday pop! I know and have seen how having the weight of the country on your shoulders has proven to be extremely stressful, but I will always be of the belief that I can’t think of anyone better than you to handle the problems we face,” ani Sandro sa kaniyang Facebook post.

PBBM, ibinahagi ang kaniyang birthday wish

“Please know we will always be here for you and continue to support the reforms and plans you have for our country. It will always be a privilege to be able to call you my dad. Love you pop! Have a great one,” dagdag pa niya.

Ibinahagi ng pangulo ang kaniyang birthday wish ngayong 66-anyos na siya.

“Maging maayos ang agrikultura at malaman natin kung ano ba talaga ang weather, wet ba o dry season, para matulungan natin ‘yung mga farmer natin,” ani Marcos.

“Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon,” saad pa niya.

Si Marcos ang kasalukuyang namumuno sa Department of Agriculture. Kamakailan lamang, nagpatupad siya ng price ceiling sa bigas sa buong bansa sa gitna ng nakaaalarmang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Maki-Balita: PBBM, ibinahagi ang kaniyang birthday wish