Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang kahilingan para sa kaniyang ika-66 na kaarawan sa Miyerkules, Setyembre 13.

Sa isang panayam sa Quezon City nitong Martes, Setyembre 12, tinanong si Marcos ng mga mamamahayag tungkol sa kaniyang birthday wish.

"Maging maayos ang agrikultura at malaman natin kung ano ba talaga ang weather, wet ba o dry season, para matulungan natin ‘yung mga farmer natin," sagot ni Marcos.

"Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon,” saad pa niya.

National

Marcos, nagtakda ng rice price ceilings nationwide

Si Marcos ang kasalukuyang namumuno sa Department of Agriculture. Kamakailan lamang, nagpatupad siya ng price ceiling sa bigas sa buong bansa sa gitna ng nakaaalarmang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Samantala, nakatakdang magtungo ang pangulo sa Singapore sa kaniyang kaarawan upang magbigay ng talumpati sa 10th Asian Conference sa naturang bansa.