Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong Setyembre.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na itataas nila ang power rate ng P0.5006/kWh ngayong Setyembre, sanhi upang umabot na ang overall electricity rate sa P11.3997/ kWh mula sa dating P10.8991/kWh lamang noong Agosto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na ang naturang upward adjustment ay nangangahulugan ng pagtaas ng P100 sa total bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P150 sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P200 sa mga nakakagamit ng 400 kWh at P250 naman para sa mga kumukonsumo ng 500 kWh.

Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng power rate ay dahil sa mas mataas na generation charge na dulot naman ng paghina ng halaga ng piso kontra sa halaga ng dolyar.

Matatandaang noong mga buwan ng Hulyo at Agosto ay nagpatupad naman ang Meralco ng tapyas sa singil sa kuryente.