Flinex ni Antonette Gail Del Rosario, jowa ng social media personality na si Whamos Cruz, ang kaniyang postpartum body habang siya ay todo-awra sa dalampasigan sa isang beach.

Ayon sa Facebook post ni Antonette, gusto niya ang kaniyang postpartum body matapos niyang magsilang kay Baby Meteor. Aminado si Antonette na mahal pa rin naman niya ang pigura niya kahit nadagdagan daw siya ng timbang.

"I LOVE MY POSTPARTUM BODY!!!! 🥰"

"love ko padin naman yung body ko kahit nag gain ako ng weight, and i know na normal yun after manganak & aminado ako na hindi ko na balance yung pagkain ko, pero isa sa insecurities ko is yung katawan ko as of now kasi ang payat ko talaga dati, pero gaya ng ng sabi ko nanganak ako and proud ako kasi bakas yan ni Baby Meteor 😍😘🥰," aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mensahe ng social media personality sa mga kagaya niyang mommy, "sa mga mommy din na nag wworry about their body, laban lang guys babalik din yan sa dati. Blessing naman yung dumating satin kahit na ang dami nating pinagdaanang paghihirap😚."

Pangako ni Del Rosario, magbabalik-alindog na siya at iyan ang ipamumukha niya sa kaniyang body shamers.

"YUNG MGA NANGBA-BODY SHAME SAKIN 🫢🤭 Ay nako!!! ABANGAN NIYO YUNG PAG BABALIK

ALINDOG KO 😜🤪," aniya.

Sey naman ng mga netizen, kahit ano pa man daw ang pigura o gain weight ngayon ni Antonette ay maganda pa rin ito suwerte pa rin si Whamos sa kaniya.