Kinaaliwan ang isang eksena mula sa segment na “Mini Miss U” kung saan inutusan ni Vice Ganda ang mga kapuwa host na unahin na munang bigyan ng pagkain si Janice De Belen bago sila magsikain.

“Guys, akyatan n’yo muna si Janice do’n para sigurado tayo,” sabi ni Vice.

Agad namang sumunod sa utos sina Vhong Navarro at Teddy Corpuz. Lumapit sila kay Janice na noon ay natatawa na sa binitawang biro ng komedyante.

Matatandaang nag-viral kamakailan ang video clip kung saan hindi nabigyan ni Vice ng chicharon si Janice sa parehong segment din ng “It’s Showtime”.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nakita ko ‘yung video. May part pala do’n na hawak ko ‘yung chicharon, inaalok ko sa kanila. Ta’s kukuha si Janice ‘di ko siya napansin. Ta’s tinanggal ko,” natatawang paliwanag ni Vice sa segment noon ng “It’s Showtime”.

Dahil sa nangyari, hindi tuloy maiwasang maiugnay ng mga netizen ang karakter ni Leona na ginampanan ni Janice sa katatapos lang na “Dirty Linen”.

Sa kasalukuyan, si Janice De Belen ang isa sa tumatayong hurado sa segment na “Mini Miss U”.