Aapela pa raw ang ABS-CBN sa naging pagpataw na 12 airing days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa noontime show na "It's Showtime," ayon sa inilabas nilang opisyal na pahayag nitong Lunes, Setyembre 4.

Nakasaad sa ikalawang talata ng kanilang opisyal na pahayag, "We will submit a Motion for Reconsideration as we humbly maintain that there was no violation of pertinent law."

"We are also committed to working with the MTRCB to ensure that 'It's Showtime' can continue to bring joy and entertainment to our noontime viewers."

Nagpasalamat din ang ABS-CBN sa "Madlang People" dahil sa patuloy na pagbuhos ng suporta sa nabanggit na noontime show.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, binanggit naman sa inilabas na anunsyo ng MTRCB na maaaring maghain ng motion for reconsideration ang producers ng noontime show, sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang desisyon, alinsunod sa Presidential Decree (PD) No. 1986 (MTRCB Charter).