Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng tanghali, Setyembre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:12 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 125 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 36 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.