Nalambat ng pulisya ang 216 na lumabag sa gun ban sa unang linggo ng implementasyon nito sa bansa.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 130 baril ang nahuli sa mga nabanggit na naaresto kaugnay ng pagdaraos ng Barangay, Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Paliwanag naman ni PNP Spokesperson, Public Information chief, Col. Jean Fernando, resulta ito ng inilatag na checkpoints ng Commission on Elections (Comelec) mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ipinaiiral ang gun ban sa loob ng 90 araw hanggang Nobyembre 29, kung saan ipinagbabawal sa mga sibilyan ang pagdadala ng baril at iba pang nakamamatay na armas sa mga pampublikong lugar, maliban na lamang kung pinapahintulutan sila ng Comelec.

Binigyang-diin ng PNP, exempted sa gun ban ang mga nagpapatupad ng batas, kabilang ang mga pulis, sundalo at iba pang government security agencies.

Idinagdag pa ng PNP, ang mga lumabag nito ay mahaharap ng pagkakakulong ng hanggang anim na taon, disqualification sa pagkandidato sa anumang posisyon sa gobyerno, mawawalan ng karapatang bumoto at pagbabawalang kumuha ng lisensya ng baril habambuhay.

 

PNA