Tila Merry agad ang Christmas ng isang taga-Samar matapos niyang mapanalunan ang milyun-milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola nitong Biyernes, Setyembre 1.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 30-42-39-12-35-18 na may kaakibat na ₱8,910,000 na premyo.
Dagdag pa nito, nabili ang winning ticket sa Brgy. Molave, Catarman, Northern Samar.
Pinayuhan ng PCSO ang lucky winner na kubrahin ang kaniyang premyo sa main office nito sa Mandaluyong City at dalhin ang dalawang valid identification (ID) cards, kasama ang winning ticket.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.