Magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga at nagmamahal sa batikang mamamahayag na si Mike Enriquez na ipagdiwang ang kaniyang legasiya at masilayan ang kaniyang mga labi sa darating na Sabado, Setyembre 2, ayon sa kaniyang home network na GMA.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 30, inihayag ng GMA na gaganapin ang public viewing para sa mga labi ni Enriquez sa Christ The King Parish, Greenmeadows sa Quezon City sa Sabado, mula 8:30 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

“Sa pahintulot ng kanyang pamilya, magkakaroon ng pagkakataon ang mga nagmamahal kay Mike C. Enriquez na masilayan ang kanyang mga labi,” saad ng GMA.

“Imbes na bulaklak, maaaring mag-donate ang mga nakikiramay sa Kapuso Foundation,” dagdag pa nito.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Pumanaw si Enriquez noong Martes, Agosto 29, sa edad na 71. Kinumpirma ito ng kaniyang co-anchor na si Mel Tiangco sa 24 Oras noong Martes ng gabi.

MAKI-BALITA: Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na